Photo courtesy of Department of Budget and Management (DBM)
Inihahanda na ng pamahalaan ang panukalang pambansang badyet para sa 2027 habang ipinatutupad ang mga programa at proyekto ngayong 2026.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) acting Secretary Kim Robert De Leon, nakapaloob sa National Expenditure Program (NEP) ang planong paglalaan ng pondo sa mga prayoridad na programa, proyekto, at serbisyo ng pamahalaan.
Nakasaad din sa NEP ang halaga ng bawat paggasta at mga pagkukunan ng pondong gagamitin ng gobyerno.
Isusumite ng Pangulo ang panukala sa Kongreso bilang bahagi ng proseso ng pagbuo at pag-apruba sa pambansang badyet para sa susunod na taon.