Patuloy ang pagsusumikap ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para mapakinabanggan agad ng publiko ang mga nasirang kalsada dahil sa mga pag-ulan.
Sa ngayon puspusan ang clearing at pagsasaayos sa nasirang bahagi ng Abatan-Mankayan-Cervantes Road sa Barangay Tabio, Mankayan, Benguet matapos gumuho ang bahagi ng kalsada dahil sa landslide.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, ito ay batay na rin sa direktiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking agad na mabuksan ang mga kalsadang isinara dahil sa pinagsamang epekto ng Habagat, Bagyong Luis at Bagyong Maymay.
Sa ngayon aniya ay nagpapatuloy din ang clearing operations sa iba pang saradong kalsada sa Cordillera Administrative Region, partikular sa Benguet at Mountain Province.
Layunin ng clearing operations na mabuksan sa publiko ang mga kalsada at matiyak ang ligtas na pagbiyahe ng mga motorista sa mga apektadong lugar.