Ipinangako mismo ni Department of Public Works and Highways o DPWH Sec. Vince Dizon na agad nitong tututukan ang pagsasaayos ng Maysan Road sa Valenzuela oras na humupa na ang baha.
Ito ang naging pahayag ni Dizon kasunod ng isinagawa niyang inspeksiyon sa nasabing kalsada, kung saan nakita mismo niya ang kalunos-lunos na kalagayan nito.
Ayon sa kalihim, nakahanda na ang pondo ngayong taon at sisimulan na ang rehabilitasyon ng kalsada kapag umigi na ang lagay ng panahon.
Target na matapos ang pagkukumpuni ng kalsada sa loob ng anim na buwan.
Pagtitiyak pa ni Sec. Dizon kay Valenzuela Mayor Wes Gatchalian na dekalidad ang magiging daang isasaayos ng DPWH upang maibsan ang paghihirap ng mga residente at motorista at makaiwas sa mga aksidente.