Tiniyak mismo ni Executive Secretary Ralph Recto na hindi na maaabuso at hinding-hindi na maibubulsa pa ang inilaang pondo para sa flood control programs na nakapaloob sa panukalang P7.2 trillion National Budget.
Binigyang-diin ni ES Recto na naglaan ng P100 billion sa ilalim ng proposed budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagsasakatuparan ng mga flood control programs.
Matatandaang na noong 2026 National Budget ay inalis at ginawang zero budget ang lahat ng proyektong may kaugnayan sa flood control project bunsod ng pagkakabunyad ng napakalaking anomalya rito na labis na tinutukan at inaksiyunan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang mahalaga umano sa ngayon ani Recto ay hindi tumitigil si DPWH Sec. Vince Dizon sa paglilinis ng ahensiya at may mas malinaw nang direksiyon ang pagpapatupad ng mga flood control program bunsod ng binubuong Flood Control Master Plan.