Walang-patid ang pagpapaabot ng tulong ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng mga bagyo at habagat sa buong bansa.
Kinumpirma ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na nakapag-padala na ang kanilang ahensiya ng papalo sa 800,000 family food packs (FFPs) sa buong bansa upang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng matinding pag-ulan at pagbaha dulot ng masamang panahon.
Bagamat hindi naman ang DSWD ang tumatayong first responder sa mga ganitong uri ng kalamidad dahil trabaho ito ng mga lokal na pamahalaan ay lagi silang nakahandang umalalay at tumulong lalo na sa augmentation ng kinakailangang mga tulong.
Iginiit din ni Gatchalian na mabilis din naman ang naging pagtugon ng mga LGU dahil agad naabot ang mga lugar na kailangan ng tulong at mabilis ding natukoy kung kailangan ba ng mga ito ng karagdagang family food packs.