P20-M insurance claims, naipaabot ng PCIC sa mga magsasaka na apektado ng kalamidad
Nakapagbigay na ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ng inisyal na P20 million na insurance claims sa mga magsasaka na apektado ng kalamidad.
Sa programang Bangon, Bayang Mahal, sinabi ni PCIC Vice President Melba Manalo na mahigit P169 million ang halaga ng pagkalugi ng mga magsasaka mula sa epekto ng Bagyong Luis, Maymay at Habagat.
Inaasahan namang madagdagan pa ang mabibigyan ng tulong sa mga rehistradong magsasaka lalo’t nagpapatuloy ang epekto ng habagat.
Handa ring tumulong ang Department of Agriculture na mai-rehistro ang iba pang magsasaka para makatanggap ng nasabing tulong.