Nagpakalat na ng mga “MYSTERY PASSENGER” ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Metro Manila para manmanan ang operasyon ng Public Utility Vehicle (PUV).
Tututukan ng mga ito ang mga marumi at kakarag-karag na mga PUV unit lalo na ang mga tsuper na hindi nagbibigay ng tamang diskwento sa mga estudyante at senior citizen.
Ayon kay LTFRB Chair, Atty. Vigor Mendoza II, bahagi ito ng pinaigting na kampaniya para pangalagaan ang kapakanan ng mga komyuter at pagbutihin ang kalidad ng pampublikong transportasyon.
Bunga ng ikinasang operasyon, siyam (9) na UV Express Units ang agad nabigyan ng Show Cause Order matapos makitaan ng sira-sirang parte at paglabag sa mga umiiral na regulasyon.
Samantala, patuloy ang Law Enforcement Operations ng ahensya para i-monitor ang EDSA Bus Carousel at magbigay ng passenger assistance.

