Inilabas ng Office of the President ang Memorandum Circular 126 na nag-aatas sa mga tanggapan ng gobyerno na magpatupad ng alternative work arrangement para sa mga kawani nito ngayong araw, August 14, 2026.
Ang paglalabas ng kautusan ay ginawa sa gitna ng patuloy na nararanasang sama ng panahon dulot ng South West moonsoon.
Bukod sa pasok sa gobyerno, iniutos din ang alternative learning modes para sa mga estudyante sa lahat ng antas, public at private.
Saklaw ng nasabing direktiba ang NCR, Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Cavite, Nueva Ecija, Batangas, Rizal, Laguna, Occidental Mindoro at Quezon.
Sa kabilang dakoy binibigyang awtoridad naman ang mga nasa LGU kung magpapatupad ng suspensiyon ng klase at pasok ng kanilang mga kawani habang nasa hurisdikayon na ng management ng mga nasa pribadong sektor kung magpapatupad din ng alternative work arrangement.