Nagkaloob ang National Home Mortgage Finance Corporation o NHMFC ng isang buwang loan moratorium para sa pagbabayad ng housing loans ng kanilang mga miyembro.
Sa panayam ng programang Boses kay NHMFC Loans Management Department Officer-in-Charge Ana Maria Yalong, papalo sa mahigit 20,000 housing loan borrowers na apektado ng nagdaang bagyo at habagat ang makikinabang sa payment relief program na ito.
Pasok sa coverage period ng nasabing housing loan payment moratorium ang mga petsang August 5 hanggang September 4, 2026.
Pagdating naman sa aplikasyon ng nasabing moratorium, hindi na dapat mangamba ang housing loan borrowers dahil awtomatiko na itong maia-apply sa mga apektadong borrowers dahil na-identify naman na sila ng NHMFC system.
Walang macha-charge na anumang penalty o interes sa housing loans habang umiiral ang housing loan payment moratorium.