Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at National Bureau of Investigation (NBI) ang pabrika ng Davao Mighty Steel Corporation sa Davao City.
Ito’y dahil matapos makitaan ng kaliwa’t kanang paglabag gaya ng sub-standard na mga bakal gayundin naman ang pagtataglay ng hazardous at radioactive materials gaya ng Uranium, Thorium at Radium.
Katuwang ng PAOCC at NBI sa operasyon ang Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nagresulta ang operasyon sa pagkakasagip ng nasa 174 na mga manggagawana pawang mga Pilipino dahil sa panganib ng exposure sa radioactive-bearing materials at iba pang production residues.
Habang may 21 opsiyal ng kumpanya kasama ang ilang Chinese nationals na naging incorporator ang kakasuhan.
Ayon kay NBI Director, Atty. Melvin Matibag, tinitingnan na rin ang legalidad ng kanilang pananatili ng mga nabanggit na dayuhan.
Natuklasan din ng awtoridad na ang mga bakal na ibinebenta ay ginamit sa ilang mga paaralan, establishimento, ospital, barangay health centers at mga residential structure na gumuho sa naganap na 7.8 magnitude sa Mindanao, nuong June 8, 2026.
Ayon kay PAOCC Executive Director, Usec. Benjamin Acorda Jr., lubhang mapanganib sa kalusugan ng mga manggagawa gayundin sa mga gumamit ng nasabing bakal ang kanilang mga nasabat.
Lumabas din sa pagsusuri ng PNRI na walang kaukukang lisensya o awtoridad ang kumpanya para humawak, mag-imbak, gumamit o magbenta ng nuclear o radioactive materials.