Bilang bahagi ng pagpapalakas ng mga lokal na pamahalaan, pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto ang pagbababa ng ₱265 million Special Allotment Release Order (SARO) para sa Cebu.
Mula ito sa Local Government Support Fund (LGSF), upang mapondohan ang mga kritikal na proyektong mayroong kinalaman sa healthcare, enerhiya, at farm to market roads.
“Local and national governments are united, and we will work together so our countrymen here in Cebu will benefit.” -Recto
Sa kaganapan, ibinaba rin ang Bagong Pilipinas initiative ng gobyerno, kung saan pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto ang distribusyon ng rice assistance sa 3,200 beneficiaries.
Kabilang na dito ang mga mangingisda, single solo parents, at senior citizens.
“This rice comes from our local farmers… While this assistance provides immediate relief, it’s a small part of the services funded by the National Government.” -Recto
Ginamit din ng kalihim ang pagkakataon, upang hikayatin ang Presidential Scholars na mag-aral nang mabuti para sa pamilya at sa bansa.
Ang mga ito ang benepisyaryo ng tig-₱20, 000 na susuporta sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral.
Sabi ni Recto, ang commitment ng administrasyon, bawa’t Pilipino ay makikinabang sa mga programa ng pamahalaan.
“Every Cebuano will benefit, and every Filipino will prosper.” -Recto