RESPETO AT HINDI INIT NG ULO
Ito ayon kay Pinoy Street Lawyer Atty. DJ Jimenez ang dapat na umiiral kasunod ng mainit na diskusyon sa impeachment court sa nagpapatuloy na paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay Atty. Jimenez, nabaling anya ang atensyon ng publiko sa mga abogado na sana dapat ay sa mahahalagang testimonya at mga dokumento na iprinesenta sa trial.
Dagdag pa nito na mahalaga sa isang abogado ang pagkakaroon ng Trial Techniques sa isang paglilitis kaalinsabay ng respetong dapat binigay sa pagdaraos ng isang trial.