Dahil sa patuloy na pag-ulang dala ng habagat, tumaas muli ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa update ng PAGASA Hydromet Division, umangat sa 183.73 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam ngayong umaga mula sa 182.73 meters kahapon.
Mas mataas na ito sa 180 meters above sea level na minimum operating water level ng Angat Dam.
Samantala, patuloy namang nagpapakawala ng tubig ang Ambuklao at Binga dam.
Sa ngayon, nakabukas ang limang gates sa Ambuklao Dam, na may inilalabas na 399.45 cubic meters per second, habang anim na gates din ang nakabukas sa Binga Dam.