Nag-abiso ang Valenzuela LGU na pansamantalang sarado sa trapiko ang bahagi ng F. Dela Cruz St. kanto ng Maysan Road, Brgy. Maysan, Valenzuela City mula ngayong Lunes, August 17 hanggang August 26, 2026 para bigyang-daan ang road rehabilitation project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Pinapayuhan ang mga motorista, partikular ang mga light vehicle, na gumamit ng alternatibong ruta sa pamamagitan ng Tongco Street patungong G. Marcelo Street at Parada Road, o kaya naman ay dumaan sa Parada Road papuntang Fortune 4/Fortune Drive.
Matatandaang iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 24/7 na pagsasaayos ng Maysan Road para matapos ang rehabilitasyon sa loob ng anim na buwan.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, makikipagtulungan ito sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela para mapabilis ang proyekto at matugunan ang matagal nang reklamo ng mga motorista at commuter sa lugar dahil sa lubak-lubak na kalsada.