Mga motorista magpa-full tank na!
Matapos ang nagdaang linggo ng rollback asahan naman ang muling taas-singil ng presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Kung saan batay sa full week trading sa world market posibleng pumalo mula ₱4 hanggang ₱5 ang itataas sa kada litro ng diesel.
Habang nasa ₱2 hanggang ₱3 naman ang posibleng itaas sa kada litro ng gasolina.
At sa kerosene naman ay naglalaro sa ₱5 hanggang ₱6 naman ang posibleng itaas.
Kaya naman abiso sa mga motorista na magpa-full tank na simula ngayong araw dahil mamayang tanghali ay opisyal na i-aanunsyo ng Department of Energy ang pinal na presyo at ipatutupad na ito ng alas-6 ng umaga sa Martes
Oil price Estimates based on full week trading on World Market:
₱4.00 to ₱5.00 – Diesel increase
₱2.00 to ₱3.00 – Gasoline increase
₱5.00 to ₱6.00 – Kerosene increase