Wala pang namo-monitor ang Embahada ng Pilipinas sa Jakarta, Indonesia kung may Pilipinong sugatan o namatay sa nangyaring pagtama ng magnitude 7.7 na lindol nitong Sabado.
Batay sa kanilang pinakahuling monitoring ng embahada, wala pang Pilipino na naiulat na nasawi o sugatan sa nasabing lindol
Dagdag pa ng embahada na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Filipino community doon para sa pagbibigay tulong sa ating mga kababayan doon.
Kaugnay nito, ayon sa National Disaster Management Agency ng Indonesia, halos 160 bahay at gusali ang napinsala ng lindol, habang 50 ang sugatan.
Sa ngayon, patuloy ang search and rescue operations para sa mga na-trap sa mga guho.