Pumalo na sa P1.03 bilyon ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura at pangisdaan dahil sa pinalakas na Habagat at mga bagyong Luis at Maymay.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), 30,073 magsasaka ang apektado sa pitong rehiyon sa bansa.
Umabot sa 25,662 ektarya ang nasirang agricultural areas, habang 25,280 metric tons ang production losses. Kabilang sa mga apektadong produkto ang palay, mais, cassava, high-value crops, fisheries, livestock, at poultry.
Ayon sa DA, patuloy pa ang assessment sa mga apektadong lugar at inaasahan pang madaragdagan ang naitalang pinsala. Samantala, naglaan na ang DA ng P177.67 milyon halaga ng agricultural inputs para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.
May P35.67 milyon ding indemnification para sa 5,005 insured farmers at fisherfolk, at maaari silang makakuha ng hanggang P25,000 zero-interest loan sa SURE Program.