Ligtas ang mga Pilipino mula sa tumamang 7.7 na lindol Isla ng Flores sa Indonesia kamakailan.
Ito ang pinagbigay alam ni Consul General Gonaranao Musor ng Philippine Embassy sa Indonesia sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Merong 92 Pilipinong naninirahan at nag-tratrabaho sa East Tengarra Province kung saan matatagpuan ang Isla ng Flores.
Dagdag pa ni Consul General Musor na naghihintay lamang ang Embahada ng pagsabi mula sa Indonesian Government para sa ano mang tulong o international assistance na maari nitong hilingin mula sa Pilipinas sa pamamagitan ng pasuguan.
Batay sa tala ng mga awtoridad sa Indonesia, hindi bababa sa 53 katao ang nasawi samantalang 36 ang lubhang nasugatan at limang libong katao ang napilitang lumikas sanhi ng lindol.