Mahigpit na tinututukan ng Department of Education (DepEd) ang galaw ng dalawang Low Pressure Area (LPA) na pawang mga nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ito’y dahil sa paiigtingin nito ang hanging habagat na siyang magpapaulan at magpapabaha sa maraming lugar sa bansa na tiyak na magdudulot ng pinsala sa mga paaralan gayundin ay makaaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante.
Batay sa datos ng DepEd, sumampa na sa 1,411 na mga paaralan o katumbas ng 8,285 na mga silid-aralan ang napinsala na ng sunod-sunod na mga pag-ulan.
Mahigit 4,800 dito ay pawang nagtala ng minor damages; 1,730 rito ang nagtamo ng major damages habang 1,655 naman ang totally damaged na mga classroom.
Pinakamarami sa mga napinsala ay sa Central Luzon, sinundan naman ng Ilocos Region, Cordillera, CALABARZON, Eastern Visayas, MIMAROPA, Cagayan Valley, Negros Island Region, NCR, at Western Visayas.
Kasunod nito, nasa 922 na mga silid-aralan mula sa 240 na mga paaralan ang ginagamit ngayong evacuation centers ng may 7,726 na pamilya sa may 7 rehiyon sa bansa.