Nasa halos isang milyong family food packs na ang naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga rehiyong sinalanta ng mga nagdaang bagyo at Habagat.
Ayon sa DSWD, umabot na sa 993,895 kahon ng family food packs (FFPs), 16,971 ready-to-eat food (RTEF) boxes at 12,710 non-food items (NFIs) ang naipamahagi nito sa 10 rehiyon na naapektuhan ng Habagat at Bagyong Luis at Maymay.
Pinakamarami ang naihatid sa Central Luzon na sinundan ng CALABARZON Region.
Ayon sa DSWD, tuloy-tuloy pa rin ang produksyon nito ng food packs sa Luzon at Visayas Disaster Resource Center habang walang patid ang pagtugon sa augmentation requests mula sa mga apektadong LGUs.
📸 DSWD

