Ipinanawagan ng National Council on Disability Affairs (NCDA) ang kaligtasan at kapakanan ng mga person with disability (PWD) sa lahat ng infrastructure projects ng pamahalaan.
Kasunod ito ng pagkahulog ng PWD sa hindi natapos na drainage project sa Pasay City, kamakailan.
Ayon kay NCDA Spokesperson Atty. Walter Jason Alava, nakaka-bahala ang ganitong insidente, lalo ngayong nagpapatuloy ang mga pag-ulan.
Aniya, dapat matiyak na nasusunod ang Accessibility Law, tulad ng paglalagay ng maayos na barriers at malinaw na warning signs sa palibot ng construction sites at iba pang hazardous areas.
Mahalaga rin aniyang palakasin ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) para mas maprotektahan ang mga may kapansanan.