Photo courtesy of DSWD
Bumaba sa 49% noong Hunyo ang self-rated poverty sa bansa mula 52% noong Marso, ayon sa Social Weather Stations (SWS).
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Irene Dumlao, indikasyon ito na mas maraming pamilya ang nakakaraos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Isinagawa ang survey noong Hunyo 20 hanggang 29 sa 1,200 adults nationwide.
Sinabi ng DSWD na patuloy nitong palalakasin ang mga programa para sa social protection, food security at sustainable livelihood.
Kabilang sa mga pangunahing programa ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Walang Gutom Program, at Sustainable Livelihood Program.
Samantala, nakatanggap ng ₱5,000 cash aid ang mahigit 1.8 milyong transport workers na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasolina.
Nagsimula na rin ang ikalawang yugto ng UPLIFT cash assistance kung saan makatatanggap ng ₱2,000 ang mahigit 4.71 milyong poor, near-poor at low-income Filipinos.