Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang patuloy na development at nation-building ang pamana na iiwan niya sa mga Pilipino, pagbaba niya sa pwesto sa taong 2028.
Kaakibat din nito ang matatag na tiwala at kumpiyansa ng publiko sa pamahalaan.
Sabi ng Pangulo, nais niyang mag-iwan ng isang pamahalaan na ganap na nakikipagtulungan sa bawat mamamayan at bawat sektor, para sa ikabubuti ng mga Pilipino at ng bansa.
“Hand-in-hand with every citizen, with every sector, trying to make the Philippines and the lives of our people better.” — Pangulong Marcos.
Sabi ng Pangulo, ang nais niyang iwan ay isang pamahalaan na lumilikha ng mas maraming trabaho, nag-aangat ng kabuhayan, at nagdadala ng development para sa publiko, upang mas maging bahagi ng global economy ang Pilipinas.
“That’s what we are trying to do. That’s what I hope that we will leave when the time comes in 2028. When the time comes, when we leave, that is what I hope that we will leave behind is this culture of development, of nation building,” — Pangulong Marcos.
Sabi ng Pangulo, kung magagawa niya ito, masasabi niyang good job ang naging trabaho niya para sa mga Pilipino.
“If I can do that, if I have met with even some success to do that, then I will say that we have done a reasonably good job. We will never have done a perfect job, but we will have done a reasonably good job,” — Pangulong Marcos.
Ito rin aniya ang dahilan kung bakit malaking papel ang ginagampanan ng mga LGU, lalo’t sila ang mas malapit sa mga komunidad, para sa pagbababa ng mga programa ng pamahalaan.
“Because the local government knows the situation in their area better than anybody else, better than the President, better than the Cabinet secretaries, better than anybody else,” — Pangulong Marcos.