Nagsagawa ng clearing operation ang Manila Department of Environment and Public Services (DEPS) sa mga kalsada ngayong araw.
Ito ay kahit maulan ang lagay ng panahon at may mga pagbaha sa ilang lugar.
Sa Facebook post ng Manila City Mayor, umani ng mga papuri ang aksyon ng Department of Environment and Public Services.
Kabilang sa mga lugar na isinailalim sa clearing operation ang:
📍 Delpan Extension corner Recto Avenue
📍 Sta. Maria corner Moriones St.
📍 Morga corner N. Zamora
📍 Juan Luna St.
Ayon sa Manila City Mayor, kahit maulan, tuloy ang pagkilos ng DEPS District I Task Force para mapanatiling malinis at maayos ang mga kalsada. Agad ding nagsagawa ng cleaning operations sa mga nabanggit na lugar.