Habambuhay na pagkakakulong at multang P2 milyon ang ipinataw ng korte kay Almira Arrojo y Buzeta, alyas “Joan.”
Ito ay matapos siyang masangkot sa large-scale qualified trafficking. Sa desisyon ng korte noong Hulyo 2026, napatunayang nag-recruit si Arrojo ng tatlong babae para magbigay ng sexual services kapalit ng pera.
Bago ito, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa illegal na pagbebenta ng babae ng suspek.
Sa entrapment operation, nahuli si alyas Joan matapos makipagtransaksyon sa mga awtoridad.
Binigyang-diin ng DOJ na napatunayan ng prosekusyon sa korte ang lahat ng elemento ng trafficking in persons.
Kabilang sa mga ebidensyang ipinakita sa korte ang mga testimonya, documentary evidence, body-worn camera footage, marked money at resulta ng forensic ultraviolet examination.
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, ipinapakita ng conviction ang magandang koordinasyon ng mga pulis at prosecutors sa pagbuo ng kaso laban sa mga human trafficker.