Nagpatupad ng “free parking” ang San Juan City LGU kagabi (August 17) para sa mga motoristang naipit sa malakas na pag-ulang daa ng Habagat.
Batay sa anunsyo, saklaw ng libreng overnight parking ang lahat ng pampublikong paradahan sa lungsod na nasa pangangasiwa ng San Juan Pay Parking Office. Kabilang dito ay ang City Hall Open Parking (Pinaglabanan Shrine), Makabagong San Juan Plaza Open Parking (Agora); FilOil Centre Open Parking at Makabagong San Juan National Government Center Ground Floor Pay Parking.
Dito maaaring pumarada nang libre ang mga sasakyan mula alas-7 ng gabi hanggang ala-7 ng umaga kinabukasan. Pagkalipas nito, ipagpapatuloy ang regular na singil sa paradahan batay sa umiiral na parking rates para sa mga sasakyang mananatiling naka-park.