Hindi nagpapaka-kampante ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lahat ng binabantayang flood-prone areas sa Metro Manila kahit pa humupa na ang mga naitalang pagbaha.
Sa panayam ng programang BOSES kay MMDA General Manager, Undersecretary Nicolas Torre III, partikular nilang tinututukan ang lebel ng tubig sa mga ilog at iba pang waterways na nasa kritikal na lebel na.
Kung ikukumpara sa dami ng volume ng ulan na ibinagsak ng Bagyong Ondoy ay aabot sa 44% ang ibinuhos na ulan noong Ondoy ang bumagsak na ulan kahapon sa loob ng tatlong oras mula alas-12 ng tanghali.
Na siya namang naging pangunahing dahilan ng biglaang pagtaas ng tubig at flashfloods sa Metro Manila.
Paglilinaw pa ng MMDA na maayos na gumagana ang mga flood control measures ng pamahalaan, ngunit nagkataon lang na labis ang ibinuhos na ulan kahapon kaya nagdulot ito sa panandaliang baha.