Photo courtesy of Presidential Communications Office
Tinatayang nasa 27,897 former rebel at dependents ng mga ito ang natulungan ng Marcos Administration na ganap na magbalik-loob sa lipunan, sa pamamagitan ng livelihood opportunity na ipinagkaloob ng gobyerno, edukasyon at iba pang tulong.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang mga former rebels ay nakatanggap ng nasa isang bilyong pisong halaga ng assistance mula July, 2022 hanggang October, 2026.
Si Pangulong Marcos, una na ring inatasan ang iba’t ibang tanggapan ng gobyerno na nakatutok sa pagbibigay ng suporta sa mga dating rebelde at pamilya nito.
Nasa higit 3,900 dependents ang nakatanggap ng scholarship sa ilalim ng PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) Educational Assistance Program.
Ang pamahalaan, nakabuo na rin ng higit 4,700 people’s organizations upang mapatatag ang community participation at mapalawak ang economic opportunities para sa mga dating rebelde at kanilang pamilya ng mga nito.
Samantala, sa ilalim naman ng Barangay Development Program, nakapaglaan na ang gobyerno ng ₱44.9 billion para sa development projects, tulad ng classrooms, farm-to-market roads, at water and sanitation system.
“These projects include 978 classrooms, 1,601 kilometers of farm-to-market roads, 1,182 water and sanitation systems, and 556 health stations, benefiting an estimated 16.08 million Filipinos. The Marcos administration continues to pursue reintegration and community development initiatives aimed at providing former rebels and their families with opportunities to rebuild their lives and contribute to lasting peace,” pahayag ng PCO.