Katuwang ang Department of Transportation (DOTr), maglulunsad ng libreng sakay ang Department of Tourism (DOT) sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Magsisimula ito ngayong araw, November 5, hanggang November 15 o sa loob ng 10 araw bilang paghahanda sa 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Kabilang sa mga ruta ng libreng sakay ang Fairview hanggang Buendia at Sucat hanggang Baclaran, at pabalik. Magsisimula ang biyahe alas-4 ng madaling araw hanggang alas-10 ng gabi.
Ayon sa DOT, layunin nitong mabigyan ng serbisyo ang nasa 12,000 commuter, mabigyan ng dagdag na kita ang mga tsuper at makatulong sa promotion ng bansa.
Binihisan ng mga larawan ng tourist attractions, festival at iba pang regional events ang 30 modern jeepney na gagamitin sa programa.