Photo courtesy of Clark International Airport Corp. (CIAC)
Nagpaabot ng tulong ang Clark International Airport Corporation (CIAC) sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Pampanga.
Ito ay matapos nitong i-turn over ang 250 ChariTimba food packs sa Social Action Center of Pampanga (SACOP).
Ayon kay CIAC Chief Finance Officer Nancy Paglinawan, naglalaman ang bawat food pack ng bigas, canned goods, noodles, kape, at iba pang ready-to-eat foods.
Ang mga food pack ay ipapamahagi ng SACOP sa mga komunidad na nangangailangan ng agarang tulong.
Bahagi ito ng Corporate Social Responsibility Program ng CIAC, bilang suporta sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.
Ang ChariTimba food packs ay bahagi naman ng charity program ng Philippine Charity Sweepstakes Office para sa mga mahihirap at mga komunidad na tinamaan ng kalamidad.
Sinabi ng CIAC, na patuloy nitong susuportahan ang mga hakbang na nagbibigay ng agarang ayuda sa mga nangangailangang komunidad, katuwang ang mga government, civic, at community organizations.