File / U.S Forces in Korea photo
Pinaikli at binawasan ng Estados Unidos at South Korea ang kanilang taunang military exercises matapos iutos ni U.S. President Donald Trump ang malaking pagbawas sa partisipasyon ng Amerika.
Ayon sa Joint Chiefs of Staff ng South Korea at opisyal ng Pentagon, ang Ulchi Freedom Shield ay tatagal na lamang ng limang araw kung saan nagsimula na nitong Agosto 17 at matatapos sa Agosto 21, sa halip na 11 araw o hanggang Agosto 27.
Sinabi rin ni South Korean Defence Minister Ahn Gyu-back na Kabilang sa mga pagbabago ang pagkansela sa ikalawang bahagi ng drills na inaasahan sanang may kasamang counterattack operations.
Sinabi naman ng isang opisyal ng U.S. Defense Department na babawasan din ang ilang field training at ang ibang aktibidad ay gagawing na lamang simulation habang kapaloob pa rin ang pangunahing layunin ng pagsasanay at kahandaan ng mga tropa.
Samantala, muling kinondena ng North Korea ang military exercises na tinawag nitong banta sa seguridad ng Korean Peninsula.
Iginiit naman ng Washington at Seoul na dipensa lamang ang layon ng drills at mahalaga anila ito upang mapanatili ang kanilang kahandaan.