Inihayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mahalagang papel ng Philippine Sugar Technologists Association (PhilSuTech) sa pagpapalakas ng industriya ng asukal.
Ayon kay Tiu Laurel, makatutulong ang science at technology para mapataas ang ani at kita ng mga magsasaka.
Kabilang sa mga hamon ng industriya ang mataas na gastos sa produksyon, kakulangan sa manggagawa, climate change, at pagkalat ng peste na red-striped soft scale insect(RSSI).
Inihayag ng Sugar Regulatory Administration na maglalabas ito ng tatlong bagong uri ng tubo na mas mataas ang ani.
Namamahagi rin ang SRA ng libreng organic fertilizer at biocontrol fungi para makatulong laban sa RSSI at mabawasan ang gastos ng mga magsasaka.
Sinabi ni Tiu Laurel na dapat makarating sa mga bukid ang mga bagong teknolohiya upang makatulong sa pagpapataas ng ani, pagpapababa ng gastos, at pagpapalakas ng industriya ng asukal. | ulat ni Rey Ferrer