Umapela ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa mga pasahero at biyahero na manatiling updated sa sitwasyon ng mga biyahe sa PITX lalo’t nagpapatuloy pa rin ang pag-ulan.
Ito ang naging panawagan ni PITX Senior Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa sa naging panayam ng programang BOSES.
Ayon kay Calbasa, bagamat balik-normal na ang operasyon at biyahe ng mga bus dahil sa paghupa ng mga baha sa major thoroughfares partikular ang mga lugar sa Northern Luzon ay dapat pa ring maging alerto ng mga biyahero.
Mas makabubuti umano kung may direktang contact ang mga biyahero sa kanilang ticket providers upang malaman agad kung kanselado ang kanilang biyahe at hindi na ma-stranded at maperwisyo pa.