Naka-focus ang administrasyong Marcos Jr. sa privatization o pagbebenta ng mga government assets sa huling tatlong buwan ng 2026.
Layon nitong maabot ang target na kita na ₱38.1 billion ng gobyerno.
Ayon kay Department of Finance (DOF) Undersecretary at Chief Privatization Officer Michael Peter Alejandro, minamadali na nila ang proseso na maibenta ang ilang properties ng gobyerno.
Kabilang dito ang Mile Long Estate sa Makati City, Food Terminal Inc. (FTI) Complex, at ang South Luzon Expressway (SLEX).
Idinagdag din ni Alejandro na sa susunod na taon ay nakatutok naman ang pamahalaan sa disposisyon ng ilang power plants at mga nakalinyang public-private partnership (PPP) projects para sa patuloy na paglikom ng pondo ng bansa.