Nagkasundo ang Department of the Interior and Local Government o DILG at Department of Education o DepEd na palalakasin ang seguridad sa loob ng mga paaralan.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, kabilang sa panukala ang pagkakaroon ng presensya ng mga barangay tanod sa loob ng mga paaralan dahil mas pamilyar ang mga ito sa komunidad at mga estudyante.
Sinabi ni Remulla na kasalukuyang nakatuon ang presensya ng PNP sa labas o paligid ng mga paaralan, kaya kailangan ding palakasin ang seguridad sa loob ng school premises.
Kasama rin sa kasunduan ang mga hakbang laban sa bullying, na ayon sa DILG ay hindi dapat balewalain.
Ang hakbang ay isinulong kasunod ng shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DILG sa DepEd, PNP at mga lokal na pamahalaan upang maprotektahan ang mga estudyante laban sa krimen, karahasan at iba pang banta sa kanilang kaligtasan.