Inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) sa Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan na magdeklara na ng State of Calamity upang magamit ang quick response fund ng probinsya.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay Bulacan PDRRMO Head, Manuel Lukban Jr., sinabi nito na umaasa sila na maaprubahan ang kanilang rekomedayon upang magamit ang pondo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong residente na nananatili sa mga evacuation center.
Ayon pa sa opisyal sa ilang linggong pag-uulan at pagbaha sa kalakhan ng lalawigan ng Bulacan, halos dalawang linggo ng activated ang mga evacuation center at nakapagsilbi na ito sa mahigit 11,000 na indibidwal at kasalukyan mayroon pa itong nasa 4,788 na nananatili.
Samantala, tuloy-tuloy rin ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan sa national government at nagpapasalamat ito sa mga tulong na hatid ng Department of Social Welfare and Development sa mga food at non-food packs relief goods at sa Department of Public Works and Highways mula sa mga clearing operation nito sa kabila ng mga pagbaha sa lalawigan.