Para matiyak na may sapat na bilang ng mga bumibiyaheng PUV, pinaigting ng Department of Transportation o DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang monitoring sa mga pangunahing ruta sa Metro Manila.
Kabilang sa mga rutang tinututukan ang Fairview–Quiapo, Divisoria–Cubao, Marikina–Cubao, Quezon Avenue–España at Kalentong–Pasig upang matiyak na hindi mahihirapang sumakay ang mga commuter ngayong maulang Miyerkules.
Nakaantabay din ang LTFRB Law Enforcement Unit upang alalayan ang mga posibleng ma-stranded na pasahero.
Kaugnay nito, muling nagbigay ang LTFRB ng libreng sakay sa mga piling major routes na tatagal hanggang 8:00 PM bilang dagdag na tulong sa mga pasaherong nahihirapang bumiyahe dahil sa masamang panahon.
Katuwang ng DOTr at LTFRB sa paghahatid ng libreng sakay ang Office of the President, LTO, CAAP, Philippine Coast Guard, Philippine Ports Authority at Department of Energy.