Photo courtesy of Philstar/Freeman Photo
Inaasahan na ng DOST-PAGASA ang walang-humpay na ulan at malalakas na Habagat bunsod pa rin ng epekto ng nararanasan na El Niño.
Sa panayam ng programang BOSES kay DOST-PAGASA Climatology and Agrometeorology Division Chief, Ana Liza Solis partikular na apektado ng malalakas na Habagat ang western portion ng Luzon kasama na rito ang Metro Manila.
Ayon sa PAGASA, aabot sa 200.9 millimeters ng ulan ang ibinuhos ng nagdaang Habagat nitong Lunes sa loob lang ng limang oras mula 9am hanggag 2pm.
Pagdating naman sa monitoring ng PAGASA sa natanggap na buhos ng ulan mula unang araw ng Agosto hanggang nitong August 18 ay pumalo na sa mahigit 1,000 millimeters ng ulan o 187% ang naitala na higit pa sa doble ng normal na ulan sa Metro Manila.
Babala pa ng PAGASA na posible pa itong magtuloy-tuloy dahil pa rin sa epekto ng El Niño.
Samantala, kinumpirma rin ng PAGASA na naabot na ng Baguio City ang 200% ng natatanggap nitong ulan, bagay na dapat nang bigyang pansin dahil sa mga kakambal nitong sakuna tulad ng landslide.