Itinanggi ng tagapagsalita ng Senate Impeachment Court ang isang online article na nililigawan umano ni Presiding Officer Chiz Escudero ang ilang senador para bumoto pabor sa conviction ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol, mismong si Escudero ay natawa nang tanungin tungkol sa naturang ulat at itinuring itong walang katotohanan.
Giit ni Tongol, mas pinagkakaabalahan ni Escudero ang mga responsibilidad niya sa impeachment trial, lalo na’t may mga trial date na nakansela, kaysa mamulitika.
Tinawag rin niyang “preposterous” o kalokohan ang naturang insinuation dahil kalahati pa lang ng kaso ng prosecution ang naihaharap.
Nang tanungin kung maaaring gawin ito ni Escudero kapag malapit na ang botohan, sinabi ni Tongol na hindi niya nakikitang gagawin ito ng Presiding Officer.