Patuloy na nakaalalay ang Valenzuela City government sa mga residenteng lumikas dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng Habagat na pinalalakas ng Tropical Depression Neneng.
As of August 19, nasa 352 pamilya ang pansamantalang nananatili sa 17 evacuation sites sa lungsod.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bukas ang mga evacuation center para sa mga residenteng kailangang lumikas bilang pag-iingat sa posibleng pagtaas ng tubig.
Patuloy namang nagbibigay ang lokal na pamahalaan ng mga pangunahing pangangailangan at mainit na pagkain sa mga evacuee, katuwang ang mga barangay.
Kagabi, nag-ikot naman si Mayor Wes Gatchalian sa mga residenteng naapektuhan ng baha sa A. Santos, Brgy. Pasolo, at namahagi ng PANATAG Emergency Kits at food packs.
📸 Valenzuela LGU

