Inihayag ni Private Prosecutor Atty. Lorna Kapunan na ang paggiit ni Vice President Sara Duterte na personal na pera ang ginagastos sa mga biyahe niya abroad ang magbubukas ng pinto para busisiin ang kanyang itinuturing na “unexplained wealth.”
Ginawa ni Kapunan ang pahayag kasunod ng nakanselang planong biyahe ng Bise Presidente patungong Japan ngunit kalaunan ay kinansela.
Ayon sa veteran lawyer, magiging krusyal ang depensa ng VP kapag sinimulan na ang pagpresenta ng Article II ng Articles of Impeachment (Unexplained Wealth).
Giit niya, ang mga umano’y personal na gastos sa pagbibiyahe sa ibang bansa ay direktang maiuugnay at magiging bahagi ng pagsusuri sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) at ari-arian.