Sa gitna ng patuloy na pag-ulan at paglikas ng ilang pamilya, tuloy-tuloy din ang serbisyo ng Quezon City Health Department (QCHD) sa mga evacuation site at health center sa lungsod.
Kabilang dito ang pamamahagi ng libreng Doxycycline sa mga residenteng nasalanta ng baha bilang bahagi ng mga hakbang para mabawasan ang panganib ng pagkakasakit.
Bukod sa pamamahagi ng gamot, nagsasagawa rin ang Health Promotion Unit ng health education at namamahagi ng mga impormasyon tungkol sa leptospirosis, kabilang ang mga sintomas, paraan ng pag-iwas, at mga dapat gawin kapag nakaranas ng mga palatandaan ng sakit.
Samantala, mino-monitor naman ng Sanitation Division ang kalinisan at kaligtasan ng suplay ng tubig sa mga evacuation site para maiwasan ang kontaminasyon at pagkalat ng waterborne diseases.
📸 QC Health Dept

