Umabot na sa 19 ang naaresto kaugnay ng BARMM Parliamentary Elections.
Sa datos ng Commission on Elections (COMELEC) mula July 16 Hanggang August 21, 2026, aabot sa 15 ang naitalang gun ban violation kung saan 21 iba’t ibang uri ng baril ang nakumpiska ng mga awtoridad, kabilang ang 6 na pampasabog at 111 mga bala.
Karamihan sa mga nadampot ay sibilyan dahil sa paglabag sa gun ban habang may dalawang nadakip sa COMELEC checkpoint.
Sa kabuuan, nakapagsagawa na ang PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 23,912 COMELEC checkpoints sa buong rehiyon.
Pagdating naman sa Election Related Incidents (ERIs), iisang suspected violent incident pa lamang ang naitala.