Nanawagan ang Department of Trade and Industry (DTI) na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga Vape o e-cigarette products na hindi tama ang packaging at labeling na itinakda ng batas.
Sa inilabas na abiso ng DTI, iba-iba ang dapat na packaging ng mga e-cigarette depende kung ito ay product refill, device o isang buong system.
Kapag ito ay product refill, Vapor product syatem, at HTP consumable dapat kumpleto ang health warnings, BIR markings, at ICC marks.
Kapag naman ito ay vapor product device lamang at HTP device ang kailangan lang ay ICC markings.
Giit ng DTI, na mahalagang malaman ng publiko kung ano ang itinakdang markings para sa bawat produkto dahil dito masisiguro na sumusunod sa batas at maayos ang naging vetting at checking sa mga produkto bago ito makonsumo ng publiko.
Kung may makita naman aniya na lumalabag dito maaaring ireport sa email address na DTI na OSMV_Comms@dti.gov.ph.