Kadiwa ng Pangulo, naghatid ng murang bilihin sa lungsod ng Parañaque
Umarangkada sa lungsod ng Parañaque ang Kadiwa ng Pangulo upang maghatid ng mura at abot-kayang pangunahing bilihin sa lungsod.
Ngayong Biyernes (August 21), dinayo ng nga Parañaqueño ang Kadiwa Mobile Stores sa Brgy. Marcelo Green Covered Court at Garden City, Brgy. San Isidro.
Iba’t ibang produkto ang kanilang nabili kabilang na ang gulay, prutas at iba pa.
Ang Kadiwa ng Pangulo sa Parañaque ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masigurong makakabili ng dekalidad at murang mga produkto ang mga Pilipino saan mang bahagi ng bansa.