Nagpaalala ang Employees Compensation Commission (ECC) na may alok din ang ahensya na pension para sa mga manggagawa na nagkaroon ng disability dahil sa trabaho.
Ayon sa ECC, bukod pa ito sa pension na ibinigay ng SSS at GSIS sa mga manggagawa at sakop nito ang mga nagtatrabaho sa pribadong sektor pati na rin sa gobyerno.
Ang EC pension naman ay para sa mga nagkaroon ng Permanent Partial Disability o Permanent Total Disability dahil sa work-related sickness o injury. Kahit ang mga namatay dahil sa trabaho, ay sakop din ng EC pension.
Ang paghahain naman aniya ng pension sa ECC ay sa pamamagitan ng SSS at GSIS, lumapit lang sa pinakamalapit nitong mga tanggapan o kaya sa HR officer ng mga employer.
Tinitiyak ng ECC na sisiguruhin nilang mabilis at maayos ang proseso upang mabigyan ng tamang serbisyo ang mga manggagawang Pilipino.