Dinagdagan pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga paraan upang makita ng motorista ang kaniyang paglabag sa batas trapiko sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Simula sa August 24, Lunes, makikita sa web portal na MAYHULIKA.MMDA.GOV.PH ang dalawang paraan para makita ang paglabag.
Ilagay lamang sa search engine ang Plate number at Ticket number kung hawak ng motorista ang natanggap na Notice of Violaton habang plate number at MV File number naman ang ilalagay kung gustong makita ang history ng paglabag.
Paalala ng MMDA, mag-ingat sa mga kumakalat na pekeng NCAP Text Messge at tandaan lamang ang “MMDA_NCAP” na siyang lehitimog sender at wala itong kalakip na link.