Welcome sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang resulta ng mga survey ng OCTA Research at Social Weather Stations (SWS) para higit pang mapahusay ang mga programa para sa mga mahihirap at vulnerable sectors.
Kasunod ito ng lumabas na resulta ng 2nd quarter 2026 Tugon ng Masa survey ng OCTA Research kung saan tumaas sa 39% ang self-rated poverty,
at 21% ang nagsabing nakaranas sila ng gutom.
Iba naman ang naging resulta ng 2nd quarter survey ng SWS kung saan bumaba sa 49% ang self-rated poverty habang bumaba rin sa 36% ang self-rated food poverty.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, maaaring magkaiba ang resulta ng OCTA at SWS dahil magkaiba ang respondents at methodology ng dalawang survey.
Sa kabila nito, mahalagang batayan pa rin umano ito para makita ang kasalukuyang kalagayan ng mga Pilipino at matukoy kung paano pa mapagbubuti ang paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan.
Pagtitiyak ng DSWD, patuloy nitong palalakasin ang mga programa para sa mga pamilyang nangangailangan, kabilang ang Walang Gutom Program, na nakatuon sa pagtugon sa food poverty at hunger.
“The Department welcomes these survey findings from OCTA Research and SWS as valuable tools to assess current ground realities and guide strategic adjustments in service delivery. Hindi po matitigil ang pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga Pilipino, in fact these survey can help us paano pa namin pagbubutihin ang aming serbisyo,” pahayag ni ASec. Dumlao.