Hindi tumitigil ang pamahalaan upang masolusyunan na ang tila lingguhan nang taas-presyo sa produktong petrolyo.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin nakalatag na ang mga plano ng Department of Energy (DOE) upang tiyakin ang energy security sa bansa partikular na sa reserba at suplay ng langis nito.
Aminado ang kalihim na naka-depende pa rin ang Pilipinas sa large oil players partikular sa Gitnang Silangan kaya naman apektado pa rin ang bansa ng hindi pa rin natatapos na tunggalian ng Estados Unidos at Iran.
Sa kabila nito tiniyak ni Garin na tuloy-tuloy ang paggulong ng Strategic Petroleum Reserve program ng bansa na tinitingnang long-term solution sa pagtaas ng presyo ng langis.
Oras kasi na maisakatuparan na ito ay mas malaking volume na ng langis ang maiimbak at magagamit ng bansa upang hindi maapektuhan ng price volatility ang presyo ng petrolyo sa bansa.