Nagpaalala ang Social Security System sa mga pensioner na kailangang mag-comply sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) hanggang katapusan ng Agosto.
Kabilang dito ang retirement pensioners na edad 80 pataas at nasa Pilipinas, total disability pensioners, pensioners abroad, at survivor pensioners at dependent children under guardianship na Agosto ang birth month ng namatay na miyembro.
Maaaring isagawa ang ACOP online gamit ang facial authentication sa PhilSys National ID eVerify System, nang hindi na kailangang pumunta sa SSS branch.
Samantala, hindi kailangang mag-ACOP ang retirement pensioners na naninirahan sa Pilipinas at wala pang 80 taong gulang.
Paalala ng SSS, kailangang sumunod sa itinakdang ACOP schedule upang maiwasan ang pagkaantala o pansamantalang pagsususpinde ng pension.